SONG: Ang Pasko ng Pilipino ay Imba Talaga
Malapit na naman ang pasko
Simoy ng hangin kay bango
Sa bahay, pamilyang Pilipino ay nagkakagulo
Dahil sa mga dekorasyong ipupuno.
Ordinaryo o may posisyon man
Mahirap o mayaman
Walang ganyan ganyan
Pamilyang Pilipino, nagkakaisa para matamo ang totoong kaligayahan.
Chorus
Tara na at makisaya
Tatay, nanay, kuya, ate, bunso
Buo, kumpleto
Dahil ang pasko ng pamilyang Pilipino ay imba talaga.
Christmas lights, Christmas tree, star na malaki
Ihahanda, ilalagay
Para bahay ay maging matagumpay
Maging huwaran sa iba kahit gipit sa buhay.
Pagkaing ihahanda sa lamesa
Bongga man o hindi
Basta’t pamilyang Pilipino sama-sama
Anong saya’t ligaya.